Joshua,
Mahal na mahal kita. Hindi kita makakalimutan, hinding hindi kita magagawang kalimutan. Ikaw ang pinaka unang lalake na minahal ko. Ikaw yung unang nagturo sakin kung papano magmahal. Kung papano magtiwala sa sarili. Kung papano lumaban pag kinakailangan. Kung saan mo dapat ilugar yung sarili mo. Kung ano ang dapat mong gawin. At marami pang iba. Alam mo, masaya ako’t nakilala kita. Masaya akong naging parte ka ng buhay ko. Sayo ko naranasan lahat ng first sa magboyfriend at girlfriend. Salamat dahil minahal mo ko, napakaikli ng dalawang taon para sakin, pero ayun, kailangan kong tanggapin na wala na. Hindi ko na nakikita yung sarili ko na kasama kita, na masaya ka sakin. Hindi ko na nakikitang nilalambing kita, inaalagaan. Mahal na mahal kita. Ang sakit. Sobrang sakit. Sana parehas nalang tayo ng nararamdaman, sana equal yung love natin para sa isa’t isa, sana inayos natin to, sana hindi ka naguluhan, sana hindi ka nagsawa, sana hindi mo ko iniwan. Mahal na mahal kita..
Pero ano pa nga bang magagawa ng mga sana ko? Ano pa nga bang magagawa netong mga nararamdaman ko? Wala. Useless na lahat. Tapos na. Tapos na tayo. Pero gusto kong malaman mo, gusto kong maramdaman mo, na mahal na mahal pa din kita. Gusto kong iparamdam sayo. Kaya lang, napag isip isip ko na, hindi na pwede. Pagod na ko. Mahal kita, pero pagod na ko. Ngayon ko lang naramdaman tong pagod na to. Noong mga nakaraang araw, napatunayan ko sa sarili ko na kaya pala kitang mahalin kahit hindi kita nakikita, kahit hindi nakakausap, o kahit wala akong nababalitaan tungkol sayo. Kamusta ka na ba? Ah, hindi. Hindi na kita dapat kamustahin. Alam ko naman na okay ka, dahil wala ka ng problema. Wala ng mangungulit, wala ng magdadrama, wala ng pipilit sayong makipagkita, wala na ko. Marami ako gustong itanong. Marami ako gustong malaman. Minahal mo nga ba talaga ako? O baka nasanay ka lang na lagi akong nanjan sa tabi mo twing kailangan? Ang sakit isipin nung sa pangalawa. Pero ngayon malinaw na sakin, di mo man sabihin, ayun yung totoo. Tama ako sa pangalawa no? Nasanay ka nalang. Naiintindihan ko. Pero masakit. Masakit tanggapin. Alam mo kase, kung mahal mo ang isang tao, kung masaya ka sa kanya, hindi mo sya babalewalain, hindi ka maguguluhan, hindi mo pagsasawaan, at higit sa lahat, hindi mo iiwan. Hindi ako nanunumbat. Sinasabi ko lang kung ano yung pinararamdam mo. Sana, hindi mo nalang pinatagal. Hindi mo nalang dapat pinaabot sa ganito. Kailan ka pa ba nagsawa? Sabi ko naman sayo dati, pag nararamdaman mong nagsasawa ka na sabihin mo sakin, para maayos natin. Pero wala eh. Mahal na mahal kita..
Sa pag-iisip ko kanina, marami pala akong hindi alam sayo. Mga bagay na dapat sinasabi mo sakin, kinukwento, gaano man kasama yan, gaano man kabawal yan, makikinig ako. Nalalaman ko pa sa ibang tao. Alam mo bang masakit yun? Na noong panahong tayo pa, hindi ka nagpapaalam sakin? Hindi mo pinapaalam yung mga ginagawa mo? Sabagay, sino ba naman ako. Hay, nakakalungkot lang. Laging ikaw laman ng isip ko. Ang sakit isipin na ang dali mong makahanap ng kapalit ko. Ang sakit isipin na ang dami mong ka-flirt. Oo, ka-flirt. Flirting yung tawag sa ginagawa mo. Mahal na mahal kita..
“Monthsary ka pa, eh taon na nga tayo”
“Hindi na natin kelangan maglambingan, ang tagal tagal na natin eh”
“Bahala ka kung ano gusto mong isipin”
Sana, magbago ka. Kung magkaka girlfriend ka, wag mo na sanang gawin yung mga ginawa mo sakin dati. Sana alagaan ka nya. Sana mahalin ka nya katulad ng pagmamahal ko sayo. Sana intindihin ka nya palagi kagaya ng ginagawa ko. Sana hindi rin sya magsawa na mahalin ka tulad ng ginawa ko. Sana anjan din sya sa tabi mo sa lahat ng oras pag kailangan mo sya. Mahal na mahal kita..
Oras na siguro para palayain ko na tong sarili ko sa mga anino mo. Oras na siguro, para sarili ko naman yung mahalin at isipin ko. Titigilan ko na yung kakaasa na magiging tayo pa ulit. Titigilan ko na yung pagdadasal na sana maisip mong balikan ulit ako. Tatanggapin ko nalang yung katotohanan na hindi na ako yung mahal mo. Tapos na. Pipigilan ko na tong nararamdaman ko, pipilitin ko talaga. Gusto ko nalang muna mag-isa. Mas gusto kong mag-isa nalang muna. Aasikasuhin ko yung sarili ko. Ibabalik ko yung dating ako, nung hindi pa kita nakikilala. Madami man akong pinagsisisihan, wala na din yun magagawa. Ipagdadasal ko naman ngayon na sana mawala na lahat ng sakit. Na sana maging malaya na ko. Ngayon, sincere ko ng sasabihin na sana maging masaya ka. Ay wait, ipagdadasal ko din na sana magtino ka na sa pag-aaral. Mahiya ka naman sa Mommy mo! Sana din bumait kana. Mahal na mahal kita..
- Pigman.